Editoryal: Ang Tunay na Kalaban? Confidential Funds in Philippine State

Noong Setyembre 25, ibinunyag ni Rep. Stella Luz Quimbo ng Marikina na nagastos ng OVP ang P125 milyon na confidential funds sa loob ng 11 araw. “Ang totoo, ako rin ay nagulat nang mabasa ko ang balita na tila ginamit ito sa loob ng 19 araw. Tinanong ko ang COA (Commission on Audit) at tiningnan ang iba’t ibang ulat, ngunit hindi ito nagastos sa loob ng 19 araw kundi sa loob ng 11 araw,” pahayag ni Quimbo.

Oct 5, 2023 - 14:58
Sep 12, 2024 - 14:58
 0  40
Editoryal: Ang Tunay na Kalaban? Confidential Funds in Philippine State

Kung sino man ang kumokontra sa confidential funds ay kumokontra sa kapayapaan. Kung sino ang kumokontra sa kapayapaan ay kalaban ng bayan.” – Vice Presidente Sara Duterte. Ano nga ba ang tunay na kapayapaan? Kapayapaan bang manahimik?

Noong Setyembre 25, ibinunyag ni Rep. Stella Luz Quimbo ng Marikina na nagastos ng OVP ang P125 milyon na confidential funds sa loob ng 11 araw. “Ang totoo, ako rin ay nagulat nang mabasa ko ang balita na tila ginamit ito sa loob ng 19 araw. Tinanong ko ang COA (Commission on Audit) at tiningnan ang iba’t ibang ulat, ngunit hindi ito nagastos sa loob ng 19 araw kundi sa loob ng 11 araw,” pahayag ni Quimbo.

Hirit pa ni VP Sara Duterte ang P500 milyon para sa confidential funds sa susunod na taon para sa “ligtas na implementasyon ng mga programa at aktibidad nito.”

Ngunit tinutulan ito ni Manuel sabi niya, “Ang alokasyon ng OVP ay hindi naaayon sa intensyon ng Kongreso. Ang mga programa na kanilang binanggit tulad ng tulong medikal at panglibing at tulong sa pagkain ay hindi direktang kaugnay ng pagdepensa sa West Philippine Sea.

Ang confidential funds ay pondo na ginagamit para sa mga hindi pampublikong layunin o aktibidad na kinakalap sa publiko. Ang mga confidential funds ay karaniwang inilaan para sa mga sensitibong operasyon o mga hakbang na nangangailangan ng pagsasagawa nang hindi bukas sa mga mamamayan. Ngunit tayo bang mga Filipino ay wala bang karapatan na alamin ang datos kung saan napupunta ang mga binabayad nating buwis?

Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas at iba pang mga batas ukol sa transparensiya at accountability ng pamahalaan, may mga probisyon na nagbibigay-daan sa mga mamamayan na alamin ang mga pondo ng gobyerno, kabilang na ang mga confidential funds.

Sa batas, itinataguyod ang karapatan ng mamamayan na alamin ang mga dokumento at impormasyon tungkol sa mga gawain ng pamahalaan. Noong 2016, ipinasa ang Republic Act No. 6713 o “People’s Freedom of Information Act of 2016” na nagbibigay karapatan sa mamamayan na humiling at magkaroon ng access sa mga opisyal na dokumento ng gobyerno, kasama na ang mga confidential funds. Ang Republic Act No. 9184 o “Government Procurement Reform Act” ay nagbibigay-daan din sa mamamayan na alamin ang mga transaksyon ng gobyerno, kabilang ang paggastos ng pondo, kahit pa ito ay may kaugnayan sa confidential funds.

Ang mga opisyal ng gobyerno ay dapat maging accountable sa paggamit ng pondo, kabilang ang mga confidential funds, at kailangang magsumite ng mga financial reports at iba pang dokumentasyon para sa audit. Bagamat may mga mekanismo para sa transparency, may mga pagkakataon na kinakailangang panatilihin ang confidential funds para sa seguridad ng lahat.

Sa kabuuan ng datos, ang inaasahan ng mga Filipino ay ang pagdedeklara ng mga aksyon mula sa tunay na mga suliranin ng lipunan at isang matinong pamahalaan. Ang kahirapan ay patuloy na namamana at hindi naaayos. Hindi tutol ang mga Filipino sa pagbabayad ng buwis at hindi kalaban ng bayan, kundi kalaban ng maling proseso at kakulangan sa kaalaman.

Resources:
K. Subingsubing- October 5, 2023.
VP Sara dodges light on controversial ‘confidential funds’ | Inquirer News
Shiela Crisostomo – September 28, 2023.
Sara insists P125 million confidential funds spent in 19 days | Philstar.com

What's Your Reaction?

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow